Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 5,023 na


Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-6 ng gabi ng Biyernes, November 20), nasa 5,023 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 6 ang nadagdag.

Wala namang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay nasa 155 pa rin.

Ang bilang naman ng active cases ay 47 kung saan 6 ang nadagdag.

Sa kabuuan umabot na sa 5,225 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

 

Read more...