15,755 naisailalim sa libreng swab test Maynila para sa mga manggagawa

Umabot na sa 15,755 ang bilang ng mga indibidwal na naisailalim sa libreng swab test sa ilalim ng ating free mass swab testing program sa Lungsod ng Maynila.

Ang libreng mass swab testing ay para sa mga public transport drivers, market vendors, hotel employees at mall workers.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, maliban sa mga sektor na ito, nasa 47,585 na rin ang kabuuang bilang ng mga na-swab test (RT-PCR) sa anim na District Hospitals sa lungsod hanggang ngayong araw, November 20.

“Tuloy-tuloy po ang paglulunsad natin nito upang mabigyan ng kapanatagan ang mga mamimili at matiyak ang kaligtasan ng lahat,” ani Moreno.

 

 

 

 

 

Read more...