Serbisyo ng Globe sa Camarines Norte at Quezon fully-restored na

Naibalik na ng buo ang serbisyo ng Globe sa Camarines Norte at Quezon Province.

Sa inilabas na abiso ng Globe Telecom, balik na sa normal ang Globe Prepaid, Globe Postpaid, Globe Business, Globe myBusiness, Globe Platinum, Globe At Home Postpaid at Prepaid WiFi sa dalawang lalawigan.

Maari na muling magamit ng kanilang customers ang SMS, Voice at Data services.

Muli namang maglalabas ng abiso ang Globe kaugnay sa kanilang restoration updates sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

 

 

 

 

Read more...