Quezon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang lalawigan ng Quezon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 4:02 ng hapon ngayong Biyernes, Nov. 20, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Quezon sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan na sa Batangas City, Ibaan at Taysan sa Batangas.

Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbahang mararanasan dahil sa malakas na buhos ng ulan.

 

 

 

 

 

Read more...