Mahigit 57,000 households sa Rizal mawawalan ng suplay ng tubig simula Nov. 23 ng gabi hanggang Nov. 24 ng umaga

Aabot sa 57,049 na households, commercial at business establishments sa lalawigan ng Rizal ang mawawalan ng suplay ng tubig simula sa Lunes ng gabi.

Ang service interruption ay makaaapekto sa aabot sa 58 mga barangay mula alas 9:00 ng gabi ng Lunes, Nov. 23 hanggang alas 6:00 ng umaga ng Martes, Nov. 24.

Kabilang sa maaapektuhan ang 3 barangay sa Taytay, 9 na barangay sa Angono, 7 barangay sa Cardona, 21 barangay sa Binangonan, 9 na barangay sa Baras at 9 na barangay din sa Jalajala.

Pinapayuhan ang mga maaapektuhang residente na mag-ipon na ng sapat na suplay ng tubig na kanilang kakailanganin sa oras ng service interruption.

 

 

 

Read more...