Naalarma si Gatchalian sa pagtaas ng 50 porsiyento mula 2016 hanggang 2019 ng bilang ng mga namatay sa buong mundo dahil sa tigdas.
Binanggit nito ang ulat ng UNICEF noong Abril na dalawang batang Filipino ang nanganganib na hindi mabakunahan dahil sa COVID 19 pandemic.
Sinabi pa ng senador na bumaba din ang immunization coverage sa Pilipinas sa 68 percent noong nakaraang taon mula sa 87 percent noong 2014.
Base sa datos ng DOH, mula Enero hanggang nitong Agosto, 3,500 kaso ng tigdas ang naitala sa Pilipinas at may 36 ang namatay.
Kayat hinihikayat niya din ang mga magulang na samantalahin ang mga libreng bakuna na iniaalok ng gobyerno.
Sinabi ni Gatchalian, kung magpapatuloy ang mga pangamba at pagdududa sa mga bakuna, magiging hamon sa gobyerno ang ilalatag na vaccination program laban sa COVID 19.