LOOK: Apat na toneladang relief supplies mula Iloilo City nakarating na sa Maynila

Dumating na sa Port Area sa Maynila ang apat na toneladang relief supplies mula Iloilo City.

Ang mga suplay ay lulan ng BRP Davao Del Norte (SARV-3504).

Kabilang dito ang mga donasyong pagkain, bitamina, hygiene kit, diaper, at medical supplies na natanggap ng Coast Guard District Western Visayas mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, organisasyon, at mga pribadong indibiduwal sa Western Visayas region.

Kasalukuyang nire-repack na ng Coast Guard Logistics Systems Command ang nasabing donasyon upang agad na maipamahagi sa mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan at Isabela.

 

 

 

 

 

Read more...