Derek Ramsay nagsalita na sa hiwalayan nila ni Andrea Torres

Simula nang umugong ang mga balitang hiwalayang Derek Ramsay at Andrea Torres, ngayon lang nagbigay ng pahayag ang aktor.

Nag-reply si Derek sa comment ng isang fan patungkol sa kanilang hiwalayan.

Ayon sa aktor, walang “third party” involved sa break-up nila ni Andrea.

Naging mabilis aniya ang pangyayar at marahin ay hindi lamang sila “meant to be”.

Tinawag din nitong “great woman” ang dating kasintahan.

“There is no third party! The breakup has happened so fast. Maybe 2 people are just not meant to be,” ayon kay Derek.

Hiniling din ni Derek ang respeto mula sa publiko.

Sinabi rin niyang mahal niya si Andrea kaya ayaw na niyang magsalita pa patungkol sa kanilang hiwalayan, pero kung makakarinig siya ng mga salita laban dito ay handa siyang ipagtanggol ang aktres.

 

 

 

 

 

Read more...