Mahigit 12,000 katao nananatili sa mga evacuation center sa Rodriguez, Rizal

Mahigit 12,000 katao pa ang nananatili sa mga evacuation center sa Rodriguez, Rizal.

Sa pinakahuling update mula sa pamahalaang bayan, 3,059 na pamilya pa o 12,841 katao ang nananatili sa iba’t ibang evacuation centers.

Pinakamaraming evacuees sa E. Rodriguez Elementary School na aabot pa sa mahigit 800 pamilya.

Ayon pa sa datos, mayroon pang 9,000 pamilya o mahigit 47,000 na katao na naapektuhan din ng Typhoon Ulysses subalit piniling manatili sa kanilang mga tahanan at hindi na lumikas.

 

 

 

 

 

Read more...