Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 46,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 9,004,325 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 8.4 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 445,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 500 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 132,202 na.
MOST READ
LATEST STORIES