Curfew ipatutupad sa California dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Magpapairal ng curfew sa California bunsod ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Governor Gavin Newsom, simula sa Sabado ay iiral ang curfew mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga araw-araw.

Tatagal ang stay-at-home order hanggang sa December 21.

Ikinaalarma ni Newsom ang aniya ay mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nagdaang mga araw.

Maituturing aniya na kritikal ang mga susunod na araw at linggo.

 

 

 

Read more...