Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 148,000 pa

Umabot na sa lagpas 12 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 148,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 12,025,248 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 7.2 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 4.5 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 1,500 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 257,777 na.

 

 

 

Read more...