Klay Thompson ng Warriors hindi makapaglalaro sa 2020-2021 season ng NBA

Malabo nang makapaglaro sa 2020-2021 season ng NBA si Golden State Warriors star guard Klay Thompson.

Kinumpirma ng koponan na mayrong problema sa kaniyang kanang Achilles ang manlalaro.

Sa post sa Twitter ng koponan, lumabas sa MRI result ni Thompson na mayroong problema sa kanang Achilles tendon nito.

Nakuha niya ang injury habang nagsasagawa ng workout sa Southern California.

Magugunitang noong June 2019 sa NBA Finals, nagkaroon din ng injury si Thompson sa laban nila sa Toronto Raptors.

 

 

 

 

 

Read more...