Lalaki patay matapos barilin umano ng isang pulis sa Maynila

Patay ang isang lalaki makaraang barilin umano ng isang pulis sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Timothy Joseph Marga, 32 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang suspek na pulis ay nakikipag-inuman sa lugar nang mapadaan ang biktima at makursunadahan siya ng grupo.

Nauwi na sa pamamaril ang insidente na nangyari pasado alas 3:00 ng madaling araw ngayong Biyernes (Nov. 20).

Nadala pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.

 

 

 

 

Read more...