Dalawang lalaki natagpuang patay, tadtad ng tama ng baril sa katawan sa QC

Dalawang lalaki ang natagpuang patay sa bahagi ng Katipunan Avenue sa Quezon City.

Ang dalawa ay kapwa tadtad ng tama ng bala sa katawan at ilang metro lamang ang layo sa isa’t isa nang makita sa bahagi ng service road area pasado alas 2:00 ng madaling araw.

Kapwa nakaposas ang kamay ng dalawa.

Nagkalat din ang basyo ng bala ng baril sa lugar.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

 

 

 

 

 

 

Read more...