Anim na pamilya naapektuhan ng sunog sa DPWH Compound sa QC

Tinupok ng apoy ang bahagi ng DPWH Compound sa Kamuning, Quezon City.

Nagsimula ang sunog alas 10:51 ng gabi ng Huwebes, November 19.

Umabot sa anim na pamilya ang naapektuhan ng sunog.

Naideklarang fire out ang sunog alas 12:13 na ng madaling araw kanina (Nov. 20).

Inaalam pa ng Fire Bureau kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

Read more...