Batanes at Babuyan Islands makararanas ng mahinang pag-ulan dahil sa Amihan

Magdudulot pa rin ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang Northeast Monsoon o Amihan sa Babuyan Islands at Batanes.

Sa ngayon ayon sa PAGASA tanging ang extreme northern Luzon ang apektado ng Amihan.

Samantala, localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

Maaring makaranas ng isolated na pag-ulan dulot ng thunderstorms sa hapon o gabi.

 

 

 

Read more...