Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 59,012

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (November 19, 3:00 PM) nakapagtala ng 280 na bagong kaso kaya pumalo na sa 59,012 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,856
Laguna – 15,971
Batangas – 10,257
Rizal – 12,248
Quezon – 4,680

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,344.

Nasa 50,114 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 220 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,081
Laguna – 14,584
Batangas – 9,362
Rizal – 10,588
Quezon – 2,499

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 4 kaya umabot na sa 1,554 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 406
Laguna – 330
Batangas – 294
Rizal – 398
Quezon – 126

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

 

 

Read more...