Bilang ng COVID-19 recoveries sa Laguna nasa 14,993 na

Tumaas pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Huwebes, November 19, 12NN), 14,993 ang naitalang bilang ng mga nakarecover o gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nasa 341 na.

Ang bilang naman ng active cases ay nasa 891.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 16,225.

Samantala, nasa 7,700 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

 

 

Read more...