Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Central Visayas, nasa halos 1,200 pa

Nagkaroon pa ng 111 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang November 19, 23,541 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,191 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 13 ang bagong gumaling kung kaya 20,976 na ang COVID-19 recoveries.

Isa ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,374 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...