Dagdag na 44 kaso ng COVID-19, napaulat sa Eastern Visayas

Nadagdagan ng 44 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 743 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Huwebes ng gabi (November 19), 8,133 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 648 o 7.97 porsyento ang aktibong kaso.

110 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 7,406 o 91.06 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 79 na ang mga residenteng nasawi o 0.97 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...