COVID-19 recoveries sa Mandaluyong City, nadagdagan pa

Napaulat ang 12 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 3:45, Huwebes ng hapon (November 19), 5,730 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 132 ang aktibong kaso.

Isa naman ang itinuturing na probable case habang 259 ang suspected cases kung saan 23,188 ang cleared na.

Siyam naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 5,415 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Samantala, 183 pa rin ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...