100 pang kaso ng COVID-19, nadagdag sa Western Visayas

Nagpositibo ang 102 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 19, umakyat na sa 18,727 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

1,866 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 79.15 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

269 naman ang gumaling pa kaya 16,363 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umakyat naman sa 498 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...