Midsalip, Zamboanga del Sur niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Zamboanga del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 6 kilometers northwest ng bayan ng Midsalip, alas-8:14 gabi ng Huwebes (November 19).

May lalim na 13 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang sumusunod na intensity:
Intensity III – Dipolog City
Intensity II – Molave, Zamboanga del Sur
Intensity I – Zamboanga City

Nakapagtala rin ng instrumental intensity 1 sa Zamboanga City.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...