Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas ang send-off ceremony ng anim ng truck ng relief goods sa Camp Crame, Quezon City araw ng Huwebes (November 19).
Kasama rin sa seremonya sina PNP Deputy Chief for Administrations Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar at PNP Deputy Chief for Operations Police Lt. Gen. Cesar Binag.
Dadalhin ang mga truck na may kargang relief items sa probinsya ng Cagayan.
Maliban ito, may apat pang truck na dadalhin sa naturang probinsya sa pangunguna naman ni Brig. Gen. Valeriano De Leon, Regional Director ng PRO 3.
Ayon kay Police Community Affairs and Development Group Acting Director Col. Eric Noble, may karagdagan pang 1,000 bags ng relief goods na naglalaman ng bigas de lata, noodles at condiments na ido-donate mula sa kaniyang unit.
Nag-abot din ang Soroptimist International ng 400 bags ng iba’t ibang relief items habang ang Anti-Crime and Community Emergency Response Team (ACCERT) naman ay nagbigay ng 300 bags ng assorted goods.