COVID-19 cases sa hanay ng pulisya, nasa 7,771 na

Aabot sa 14 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (November 19), 7,771 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 380 ang aktibo pang kaso.

33 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 7,366 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa namang pulis na napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 25 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...