Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 24,256 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Huwebes ng umaga (November 19).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 525 o katumbas ng dalawang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
23,031 o 95 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 700 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 16,479 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES