Walang naitalang bagong bilang ng mga Filipino na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Huwebes, November 19), nasa 11,545 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 82 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,242 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ang bilang ng mga naka-recover o na-discharge na sa ospital ay 7,270 kung saan nadagdagan ng 2.
Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nanatili sa 833.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,530 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 1,311 confirmed COVID-19 positive cases.
Nasa 1,874 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 830 sa Americas.