BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 413,430

Mahigit 1,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (November 19), umabot na sa 413,430 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 30,493 o 7.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,337 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

84.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.0 porsyento ang asymptomatic; 0.21 porsyento ang moderate; 2.5 porsyento ang severe habang 4.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 41 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,998 o 1.93 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 286 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 374,939 o 90.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...