Sen. Manny Pacquiao namahagi din ng tulong sa mga residente sa Antipolo, Rizal

Nagpaabot din ng tulong sa mga binahang residente sa Antipolo, Rizal si Senator Manny Pacquiao.

Binigyan ng tig-P1,000 ng senador ang mga residenteng nasalanta ng pagbaha sa Brgy. Mayamot.

Maliban sa cash, namigay din ng family packs na naglalaman ng bigas, de lata, noodles, kape, face masks at medicine kits para sa bata at matanda.

Kahapon ay nauna nang namahagi ng tulong si Pacquiao sa mga nasalanta ng bagyo sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

 

 

 

Read more...