Isa sa treatment basin ng Maynilad naalisan na ng putik

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2020 - 09:49 AM

Natanggal na ang putik sa isa sa mga basin ng La Mesa Treatment Plant ng Maynilad.

Dahil dito, simula kagabi ay inumpisahan na ang pagpuno ng tubig sa basin.

Pero ayon sa Maynilad, mayroon pa ding putik o malabo pa din ang tubig na pumapasok mula sa Ipo Dam kaya hindi pa tuluyang maabot ang target water production.

Ito ang dahilan kaya ang mga customer sa matataaas na lugar ay patuloy na makararanas ng mas mahabang water interruption kumpara sa inanunsyong schedule.

Bilang tugon, nagdagdag na ang Maynilad ng water tankers sa mga apektadong lugar.

 

 

 

TAGS: La Mesa treatment plant, Turbidity Level, water service interruption, Water supply, La Mesa treatment plant, Turbidity Level, water service interruption, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.