300 pamilya, nasunugan sa QC

 

Tinupok ng apoy ang nasa 150 kabahayan sa sunog na naganap kagabi sa Quirino Highway, Bgy. Balong Bato, lungsod ng Quezon.

Naging mabilis ang pakalat ng apoy sa mga tirahan dahil gawa sa mga light maetrials ang mga ito.

Nagsimulang tupukin ng sunog ang lugar pasado alas 8 ng gabi at naideklarang under control dakong alas 9:45 PM.

Wala namang iniulat na nasaktan dahil sa sunog.

Tinatayang aabot sa kahating milyong piso ang halaga ng naabong ari-arian sa sunog.

Read more...