Timbog sa magkatuwang na operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Dasmariñas, Cavite ang “most wanted” na nagbe-benta ng mga endangered at protected na mga hayop doon.
Matagal nang tinitiktikan ng mga otoridad ang mga transaksyon ng suspek na si Adamson Lacadem na gumagamit pa ng social media sa iligal niyang pagbebente ng mga hayop na endengered species na.
Dala ang search warrant, nakumpiska ng mga otoridad ang mga hayop sa kaniyang tahanan, kabilang na ang dalawang musang, isang grass owl, forest parrot, Singapore bald eagles, African love birds, tatlong baby pawikan.
Lumalabas rin sa imbestigasyon na nakapagbenta na rin siya ng tarsiers gamit ang Facebook kung saan nakapost ang litrato ng mga hayop na kaniyang ibinebenta.
Giit ni Lacadem, pawang mga alaga lamang niya ang mga ito. Pero dahil endangered ang mga ito, nahaharap si Lacadem sa kasong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Napatunayan rin ang kaniyang mga iligal na transaksyon sa pamamagitan ng mga text messages sa kaniyang cell phone.
Dinala na ang mga hayop sa Wildlife Rescue Center ng DENR sa Quezon City.