COVID-19 vaccines ng Pfizer at Moderna handa na para sa US distribution sa susunod na mga linggo

Sa susunod na mga linggo ay handa na para sa US authorization at distribution ang bakuna laban sa COVID-19 ng mga kumpanya ng PFizer at Moderna INc.

Ayon kay US Health and Human Services Secretary Alex Azar, agad na gagawin ang distribution ng bakuna sa loob ng 24 oras sa sandaling matanggap na ang regulatory authorization nito.

Sinabi ni Azar na ligtas at highly effective ang dalawang bakuna at sa mga susunod na linggo ay inaasahan na iisyuhan na ito ng otorisasyon ng Food and Drug Administration para maipamahagi na at magamit.

Sa pagtatapos ng taon, inaasahan na aabot sa 40 million doses ng dalawang bakuna ang magiging available na.

Dalawang shots ang kailangan sa loob ng apat ng linggo para sa pagiging epektibo ng bakuna.

Una nang sinabi ng mga opisyal sa US na kapwa mayroong 95 percent na effectivity rate ang dalawang bakuna.

 

 

 

 

 

 

Read more...