Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 135,000 pa

Umabot na sa lagpas 11.8 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 135,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 11,835,484 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 7.1 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 4.4 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 1,400 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 255,795 na.

 

 

 

 

 

 

Read more...