Masbate niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Dalawang beses niyanig ng lindol ang lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs,unang naitala ang magnitude 4.4 na pagyanig sa 15 kilometers northeast ng bayan ng Dimasalang, alas-3:56 umaga ng Huwebes (November 19) at may lalim na 27 kilometers.

Niyanig naman na ng magnitude 3.0 na pagyanig ang 4 kilometers southwest ng bayan ng Batuan, alas-5:15 ng umaga at may lalim na 27 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...