Amihan nakakaapekto na lang sa extreme Northern Luzon

Ang extreme Northern Luzon na lamang ang naaapektuhan ng Northeast Monsoon o Amihan.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, Huwebes, Nov. 19 ang Batanes at Babuyan Islands ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan.

Sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin din ang iiral at magkakaroon ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Wala namang binabantayang sama ng panahon ang PAGASA sa loob ng bansa.

 

 

 

Read more...