Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (November 17, 3:00 PM) nakapagtala ng 204 na bagong kaso kaya pumalo na sa 58,732 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,793
Laguna – 15,894
Batangas – 10,228
Rizal – 12,184
Quezon – 4,633
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,288.
Nasa 49,894 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 413 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,081
Laguna – 14,584
Batangas – 9,288
Rizal – 10,465
Quezon – 2,476
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na sa 1,550 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 406
Laguna – 329
Batangas – 293
Rizal – 396
Quezon – 126
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay