Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 10,988

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Martes, November 17), nadagdagan ng 86 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 10,988.

Sa nasabing bilang 558 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 421 kung saan nakapagtala ng 3 bagong nasawi.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 11,967 na.

Mary Rose Cabrales

 

 

 

 

Read more...