Sarangani niyanig ng magnitude 3.3 at 3.7 na lindol

Dalawang beses niyanig ng lindol ang lalawigan ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs,unang naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa 9 kilometers northwest ng bayan ng Alabel, alas-12:03 umaga ng Huwebes (November 19) at may lalim na 85 kilometers.

Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.7 na pagyanig sa 11 kilometers northeast ng bayan ng Glan, alas-2:58 ng umaga  at may lalim na 15 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...