Mga gumaling sa COVID-19 sa Western Visayas, pumalo na sa 16,000

Nagpositibo ang 65 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 18, umakyat na sa 18,626 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

2,036 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 79.86 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

300 naman ang gumaling pa kaya 16,094 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umakyat naman sa 496 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...