Active COVID-19 cases sa hanay ng PNP, nasa halos 400

Aabot sa 24 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (November 18), 7,758 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 395 ang aktibo pang kaso.

45 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 7,338 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa namang pulis na napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 25 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...