Isang high-value target sa Negros Oriental, timbog sa buy-bust operation

PDEA photo

Naaresto ng PDEA – Central Visayas at PNP ang isang high-value target na drug personality sa Bindoy, Negros Oriental Miyerkules ng hapon.

Isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng National Highway Purok 1, Barangay Domolog bandang 3:50 ng hapon.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto kay Jess Mark Librando Mananquil alyas “Mark,” 40-anyos.

Nakuha kay Mananquil ang limang pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P20,400.

Maliban dito, nakuha rin ang iba’t ibang drug paraphernalia, isang cellular phone, motorsiklo at ginamit na buy-bust money.

Mahaharap si Mananquil sa kasong paglabag sa Section 5, Section 11 at Section 12, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PDEA photo

Read more...