BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 412,097

Mahigit 1,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (November 18), umabot na sa 412,097 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 29,474 o 7.2 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,383 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

83.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.3 porsyento ang asymptomatic; 0.22 porsyento ang moderate; 2.7 porsyento ang severe habang 4.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 95 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,957 o 1.93 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 143 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 374,666 o 90.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...