P680,000 halaga ng shabu, nasabat sa Bohol

PDEA photo

Nakumpiska ng mga otoridad ang 100 gramo ng shabu sa Tagbiliran City, Bohol Martes ng gabi (November 17).

Sanib-pwersa ang Philippine Drug Enforcement Agency – Bohol at Philippine National Police (PNP) sa anti-drug operation sa bahagi ng Purok 6, Taloto dakong 7:30 ng gabi.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto kina Mohammar Tomawis alyas “Orak,” 30-anyos, at John Firnyl Millan, 26-anyos.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang walong pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000, ginamit na buy-bust money at ilang non-drug evidence.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.

PDEA photo
Read more...