Ilang bahagi ng Rodriguez, Rizal magkakaroon ng water interruption

Makararanas ng water interruption ang ilang bahagi ng Rodriguez, Rizal.

Sa abiso ng Manila Water, ito ay dahil pa rin sa mataas na lebel ng turbidity o pagkalabo ng tubig na pumapasok sa East La Mesa Water Treatment Plant dulot ng mga nakaraang bagyo.

Narito ang mga apektadong lugar:

Barangay San Jose:
Sub 1, 2, 3, 4, 5, 7, Kasiglahan Ph.-D, Upper NTA, Upper Amityville, Lower NTA, LGU, Charm/Isla, MRV, San Jose KAM

Barangay San Isidro:
Sub 6, 7, 8, 9, 10, 11 & 12, Phase 1N, Centella 3, Southville Road A, SV8 Talipapa, SV 8A, SV 88, SV 8 Manggahan, Maislap, Greenbreeze Phase 1, 2 & 2a, Eastwood Residences Phase 6, 7 & 8, Villas, Southville 8a, Southville 8b

Magsisimula ang water interruption bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (November 18) hanggang 4:00, Huwebes ng madaling-araw (November 19).

Pinayuhan naman ang mga customer na mag-ipon nang sapat na tubig.

Read more...