Iregularidad sa pagbubukas ng gate ng mga dam sa Luzon at illegal logging sa mga watershed pinaiimbestigahan sa Kamara

Grabbed from Cagayan PIO

Isinusulong na maimbestigahan ni House Assistant Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang aniya ay iresponsableng pagbubukas ng gates ng mga dams at mga iligal na aktibidad sa mga watersheds na naging dahilan ng paglubog ng maraming lugar sa Luzon sa kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Base sa inihaing House Resolution No. 1345 ni Herrera, ipinasisilip nito ang pagbubukas ng gate anim na dams – ang Angat, Ipo, La Mesa, Ambulao, Binga, San Roque at Magat dam na itinuturong dahilan sa biglang pagtaas ng baha sa Metro Manila, Isabela, Pangasinan, Benguet, Isabela at Cagayan.

Kailangan aniyang imbestigahan ito upang malaman ang pananagutan ng mga dam operators sa mga casualties lalo na sa pagkawala ng buhay at pagkasira ng maraming kabuhayan at ari-arian.

Sabi nito, May mga reports siyang natanggap na lumabag sa protocol ang mga dam dahil walang abiso, at biglaan ang pagbubukas ng mga floodgates sa halip na dahan-dahan dapat ang pagpapakawala ng tubig.

Samantala, sa House Resolution 1346 na inihain din ng lady solon ay pinapasiyasat nito ang patuloy na illegal logging at quarrying activities sa watershed sa Marikina na nagpabaha sa ilang mga lungsod sa Metro Manila.

Dahil sa patuloy na iligal na aktibidad sa watershed ay nasasayang ang efforts para sa rehabilitation at reforestation na siya sanang first-line of defense sa pagtaas ng baha tuwing may bagyo o malakas ang ulan

 

 

 

 

 

Read more...