Global cases ng COVID-19 nadagdagan ng mahigit kalahating milyon sa magdamag

Umabot sa mahigit kalahating milyon ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules, (Nov. 18) ay 55,915,903 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 527,000 na bagong kaso sa magdamag.

Sa magdamag, mahigit 142,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Habang mahigit 38,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 35,000 ang bagong kaso sa Brazil.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 11,681,021
India – 8,912,704
Brazil – 5,911,758
France – 2,036,755
Russia – 1,971,013
Spain – 1,535,058
UK – 1,410,732
Argentina – 1,329,005
Italy – 1,238,072
Colombia – 1,211,128

 

 

 

Read more...