China nagpatupad ng temporary entry ban sa mga Pinoy dahil sa banta ng COVID-19

Sinuspinde ng China ang pagtanggap ng mga Filipino nationals na mayroong valid na visas at residents permits dahil sa banta ng COVID-19.

Exempted naman sa temporary entry ban ang mga Pinoy na may hawak na diplomatic, service, courtesy and crew visas.

Ang mga Non-Chinese nationals na nasa Pilipinas na naisyuhan ng visa pagkalipas ng Nov. 3, 2020 ay hindi rin apektado.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), naging epektibo ang naturang kautusan ng China ngayong buwan ng Nobyembre.

“The Embassy of the People’s Republic of China in the Philippines has issued a notice temporarily suspending the entry into China of non-Chinese nationals in the Philippines holding visas or residence permits still valid as of 05 November 2020,” ayon sa abiso ng POEA.

 

 

 

Read more...