Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 212.70 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (November 18) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 212.74 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.38 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.53 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan din na nasa 79.25 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.41 meters.
Ang water level ng Ambuklao, San Roque, at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang Binga, Magat at Caliraya dams.
Samantala, patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ipo, Ambuklao, Binga at Magat dams.